今週の動画

SHINKANSEN TRAINS SA JAPAN, MAGIGING SMOKE-FREE SA 2024

Pagsapit ng spring ng susunod na taon ay magiging smoke-free na ang lahat ng bullet trains sa bansa.

Ito ay kasunod ng desisyon ng mga operators ng Tokaido, Sanyo at Kyushu Shinkansen lines na alisin ang mga smoking rooms, saad sa ulat ng The Asahi Shimbun.

Ayon sa Central Japan Railway Co. (JR Tokai), West Japan Railway Co. (JR West) at Kyushu Railway Co. (JR Kyushu), ang desisyon na gawing smoke-free ang mga tren ay nagpapakita ng pagiging health conscious at pagbawas ng mga taong naninigarilyo.

Kapag naalis na ang mga smoking rooms, ang mga nabakanteng espasyo ay gagamitin bilang lalagyan ng mga inuming tubig at iba pang gamit pang-emerhensiya.

Follow me!