LOW-INCOME HOUSEHOLDS, MAKAKATANGGAP NG ¥70,000 AYUDA – KISHIDA

Sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida na magbibigay ang gobyerno ng 70,000 yen na cash handouts para sa bawat kabahayan na may mababang kita at exempted sa pagbabayad ng buwis. Ayon sa lider ng Japan, ang mga ito ang pinakaapektado ng nararanasang inflation ngayon, saad sa ulat ng Kyodo News.
Posibleng magsimula ang pagbibigay ng cash handouts sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.
Samantala, babawasan din ng 40,000 yen ang buwis ng bawat tao simula sa Hunyo 2024 sa pag-asang makatulong ang hakbang para makabangon ang bawat kabahayan sa inflation at mabagal na pagtaas ng kita, dagdag pa ni Kishida.
Kabilang ang mga ito sa economic package na isasapormal ng gobyerno sa Nobyembre 2.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo

