今週の動画

SUBSIDIYA SA GAS AT KURYENTE, BALAK PAHABAIN

Plano ng gobyerno ng Japan na pahabain hanggang sa katapusan ng Abril 2024 ang subsidiya sa gas at kuryente bilang relief measures.

Ayon sa ulat ng Jiji Press, inaasahan na kasama ito sa economic package na planong pagtibayin ng pamahalaan.

Sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida sa kanyang parliamentary policy speech na papanatilihin ng gobyerno ang mga relief measures hanggang sa spring ng susunod na taon.

Follow me!