今週の動画

¥30,000 AYUDA, IMINUNGKAHI NG OPOSISYON

Inanunsyo ng pangunahing oposisyon na Constitutional Democratic Party of Japan ang kanilang emergency economic package kung saan iminungkahi nila ang 30,000 yen na inflation allowance sa bawat eligible household bilang inflation allowance.

Sinabi ni CDP President Kanta Izumi sa isang press conference na ang mga presyo ay tumataas, at kung hindi mabibigyan ng allowance ang medium- and low-income earners, ay makakaapekto ito sa kanilang buhay, saad sa ulat ng Jiji Press.

Dinagdag din nila na ang income tax cut na pinag-uusapan sa gobyerno ay walang madaliang epekto kung ipapatupad.

Follow me!