今週の動画

MGA HAKBANG VS OVERTOURISM, INANUNSYO

Kabilang ang bagong peak-hour pricing para sa mga tren sa mga planong inanunsyo ng gobyerno para masolusyunan ang problema ng overtourism sa Japan.

Base sa proposal, iaalok ang reduced fares at priority access sa mga train platforms sa mga lokal na residente, ayon sa ulat ng The Asahi Shimbun.

Papayagan din ang mga bus operators na maningil ng mas mataas na pasahe sa mga tourist buses.

Magtatalaga rin ng mga staff sa mga abala na taxi stands para pamahalaan ang linya at magbigay suporta sa mga pasahero.

Follow me!