今週の動画

HOKKAIDO, PINAKAMAGANDANG PREPEKTURA SA JAPAN, IBARAKI, HULI SA LISTAHAN – SURVEY

Nanguna ang Hokkaido bilang pinakakaakit-akit na prepektura sa Japan, habang huli naman sa listahan ang Ibaraki, ito ay base sa survey na isinagawa ng Brand Research Institute.

Ginawa ang survey online noong Hunyo hanggang Hulyo kung saan nasa 20s hanggang 70s ang edad ng mga respondents. Tinanong sila tungkol sa kagandahan ng mga prepektura sa pamamagitan ng pagre-rate rito sa five-point scale. Nasa 34,000 respondents ang nagbigay ng sagot.

Sa ulat ng Jiji Press, pumangalawa sa pinakakaakit-akit ang Kyoto na sinundan ng Okinawa.

Follow me!