今週の動画

AMBULANSYA NA MAY MAHINANG SIRENA, INILUNSAD KONTRA INGAY

Isa sa tatlong bagong ambulansya na mayroong mas mahinang sirena ang ipinakita ng fire department ng Shimonoseki City, Yamaguchi Prefecture sa isang seremonya kamakailan.

Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, adjustable ang tunog ng sirena, lalo sa gabi kung saan dumaraan ang ambulansya sa mga residential areas.

Sa ilalim ng Road Traffic Act ng Japan, kinakailangan na nasa 90 hanggang 120 decibels lamang ang sirena ng mga ambulansya.

Marami ang nagrereklamo dahil hindi ito mahinaan lalo pagsapit ng gabi.

Follow me!