PAGGAMIT NG CREDIT CARD BILANG PASAHE SA TREN SA JAPAN, SINUSUBUKAN
Nagsasagawa ng trial ang Tokyu Railways sa isang sistema kung saan makakapasok ang mga pasahero sa mga ticket gates gamit ang kanilang credit cards.
Sa ulat ng NHK World-Japan, isa sa mga layon nito ay padaliin para sa mga dayuhang turista ang pagbabayad para sa kanilang pamasahe sa tren.
Sinimulan ng kumpanya ang trial kamakailan sa Denen-toshi Line na kumukonekta sa Shibuya Station sa central Tokyo at Kanagawa Prefecture.
Makakabili ang mga pasahero ng one-day pass online, at ita-tap lamang nila ang kanilang credit card kapag dumaan na sila sa gates ng istasyon.
Plano ng kumpanya na paramihin pa ang bilang ng mga istasyon na may ganitong serbisyo.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo