BUS-THEMED GUEST ROOM, TAMPOK SA HOTEL SA MIE-KEN
Binuksan kamakailan ang isang bus-themed guest room sa loob ng isang hotel sa Grande Annex ng Sancoinn Iseshi-Ekimae Hotel sa Ise, Mie Prefecture.
Sa loob ng kwarto ay may driver’s seat na nakalagay na may monitor sa harap. Mae-enjoy ng mga hotel guests na mananatili rito ang pakiramdam na maging isang bus driver habang pinapanood ang 30-minuto na video na kinunan mula sa viewpoint ng isang drayber, saad sa ulat ng The Mainichi.
Ito lamang ang nag-iisang bus-themed guest room sa loob ng hotel at maaaring umupo ang mga guests rito at gamitin ang manibela, turn signals at parking brake.
Hango ang ideya na ito mula sa Mie Kotsu Co. bus na pag-aari ng Nagoya-based Sancoinn Co. na nag-ooperate ng mga hotels sa Tokai region.
Nasa 30,000 yen pataas ang bayad sa kwarto na maaaring okupahin ng dalawang tao.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo