今週の動画

FOOD SELF-SUFFICIENCY RATE NG JAPAN, MAS MABABA KESA SA TARGET

Nanatili sa 38% ang food self-sufficiency rate ng bansa sa pangalawang magkasunod na taon, mas mababa sa 45% na target ng pamahalaan pagsapit ng fiscal 2030.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, bumaba ang produksyon ng domestic wheat at seafood, habang nakitaan din nang pagbaba ang imported oils at fats.

Nakapagtala naman ng 99% na self-sufficiency rate para sa bigas, 75% para sa gulay, 17% para sa livestock products, 16% para sa wheat, at 3% para sa oils at fats.

Sinabi ng agriculture at fisheries ministry na malayo pa ang lalakbayin ng Japan para maabot ang target ng gobyerno.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

\ 最新情報をチェック /