PAGNANAKAW, PINAKAMATAAS SA MGA KASO NG KRIMEN SA JAPAN
Nakapagtala ang Japan ng 228,889 kaso ng pagnanakaw sa unang anim na buwan ng 2023, katumbas ng humigit-kumulang sa 70 porsyento ng kabuuang kaso ng krimen na naitala sa bansa.
Base sa ulat ng Jiji Press, nasa 333,003 ang kabuuang bilang ng mga krimen ang naitala mula Enero hanggang Hunyo, mas mataas ng 21.1 porsyento kumpara noong nakaraang taon, ayon sa National Police Agency.
Sa 110,744 na street crimes na naitala, nasa 97,724 kaso ang may kaugnayan sa mugging, car break-in o bicycle theft, kung saan 15,795 ang naganap sa Osaka Prefecture. Sinundan ito ng Tokyo na may 13,882 kaso, at Saitama Prefecture na may 8,229 kaso.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East