USJ, TOKYO DISNEY RESORT, NAGHAHANDA NA SA TAAS-PRESYO NG TICKET
Kasado na ang pagtaas ng presyo ng one-day admission ticket ng Universal Studios Japan sa Osaka Prefecture at Tokyo Disney Resort sa Chiba Prefecture sa mga susunod na buwan.
Magtataas ng 600 yen ang USJ sa kanilang one-day ticket at magiging 10,400 yen simula kalagitnaan ng Agosto kapag marami ang mga tao, habang magmamahal din ng 1,500 yen ang singil ng Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea at magiging 10,900 yen simula sa Oktubre.
Ayon sa ulat ng The Mainichi, nasa 60 porsyento ng mga amusement parks at leisure facilities sa bansa na sinurvey ng Tokyo Shoko Research Ltd. ang nagdesisyon na magtaas ng singil sa kanilang admission fees dahil sa pagtaas ng mga gastos tulad ng kuryente at labor costs.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/18Ang presyo ng condo sa Central Tokyo ay umabot sa record na 130 milyong yen noong Enero-Hunyo
blog2025/07/14What is inverted fuji or sakasa fuji?
News(Tagalog)2025/07/14Kumikilos ang Bagyong No. 5 sa hilagang silangan ng Kanto sa ika-14 ng Lunes. Ang Kanto at Tohoku ay nakaalerto para sa malakas na ulan, malakas na hangin, at mataas na alon.
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan