INA NA HINDI PINAPAKAIN ANG ANAK, HULI SA AID FRAUD
Dinakip ng mga pulis sa Daito City, Osaka Prefecture ang isang 34-taong gulang na babae noong Hulyo 18 dahil sa hinalang nagkasala ito ng panloloko matapos madalas na maospital ang kanyang anak na gutom na may 39 beses sa loob ng limang taon.
Iniimbestigahan ng mga pulis si Kasumi Nawata dahil sa umano’y pagnakaw nito ng 60,000 yen mula sa mutual aid money ng isang cooperative association matapos maospital ang kanyang siyam na taong gulang na anak dahil sa hypoglycemia, saad sa ulat ng The Mainichi.
Dagdag pa rito, tinanggap din umano ni Nawata ang halos 5.7 milyong yen dahil sa madalas na pagkaospital ng kanyang anak na may parehong mga sintomas sa loob ng 39 beses sa nakaraang limang taon, at inaalam pa ng mga pulis ng prepektura ang kaso, sa paniniwalang ang suspek ay may masamang hangarin.
Inakusahan si Nawata ng panloloko sa mutual aid money sa pamamagitan ng pagpapaospital ng kanyang anak na babae, noon ay 8, sa loob ng anim na araw habang sinasabihan siyang huwag kumain, na nagdulot sa kanya ng ketotic hypoglycemia noong huling bahagi ng Enero.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo