TOKYO, NAKARANAS NG 35-DEGREE NA INIT
Nagtala ng mahigit sa 35 degrees Celsius na temperatura ang central Tokyo, Saitama, Chiba, Ibaraki at iba pang prepektura sa bansa kahapon, ito ang unang beses na ganito kataas ang temperatura ngayong summer season.
Umabot sa 35.7 ang temperatura sa Ome City sa western Tokyo, 35.2 sa central Tokyo, sa Otsuki City, Yamanashi Prefecture, at 35.6 sa Kasama City, Ibaraki Prefecture.
Naglabas ng heatstroke alerts sa mga nabanggit na lugar dahil sa matinding init na naranasan, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.
Pinapaalalahanan ang publiko na gumamit ng air conditioners, uminom ng tubig at iwasang lumabas sa pinakamainit na oras kung hindi naman importante.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo