今週の動画

DOMESTIC TRAVEL SA JAPAN, BABALIK NA SA PRE-PANDEMIC LEVELS NGAYONG SUMMER

Inaasahang babalik na sa pre-pandemic levels ang domestic travel sa bansa ngayong panahon ng tag-init, ito ang sinabi ng JTB kamakailan.

Ayon sa isa sa pinakamalaking travel agencies sa bansa, tinatayang 72.5 milyong tao ang bibiyahe sa loob ng bansa sa pagitan ng Hulyo 15 at Agosto 31. Halos kasingdami na ito ng bilang noong 2019, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Ito ay binase ng JTB sa mga hotel bookings, flight reservations at iba pang economic indicators.

Sinabi ng JTB na gagasta ng nasa 40,000 yen ang bawat tao sa biyaheng kanilang gagawin, mas mataas ng 10% kumpara noong bago ang pandemya.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

\ 最新情報をチェック /