KATAWAN NG TAO NA WALANG ULO, NAKITA SA HOTEL SA SAPPORO
Natagpuan ng pulisya ang katawan ng isang lalake na walang ulo sa hotel sa Sapporo City, Hokkaido Prefecture.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, hinihinala ng mga pulis na dinala ng isa pang tao na pumasok sa kwarto ng hotel ang ulo ng bangkay. Base sa security camera footage, kasama ng biktima na pumasok sa kwarto ang nasabing tao.
Nadiskubre ng mga empleyado sa paliguan sa second floor ng isang hotel sa Susukino entertainment district ang bangkay Linggo ng tanghali.
Naniniwala ang mga otoridad na pinugot ang ulo ng lalake gamit ang isang cutting tool. Walang natagpuan ang mga pulis na pagkakakilanlan sa biktima.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo