今週の動画

MOUNT FUJI, BUBUKSAN SA MGA CLIMBERS SA HULYO

Nakatakdang magbukas ang Mount Fuji sa mga umaakyat ngayong darating na Hulyo, ang unang climbing season nito simula nang ibaba ng gobyerno ang COVID-19 sa lower-risk category.

Halos fully booked na ang mga huts at cottages paakyat ng bundok, saad sa ulat ng Jiji Press.

Ang Mount Fuji ang pinakamataas na bundok sa Japan na may taas na 3,776 metro at sumasaklaw sa Yamanashi at Shizuoka prefectures.

Kamakailan ay ipinagdiwang nito ang ika-10 anibersaryo nang pagkakasama nito sa listahan ng UNESCO World Cultural Heritage site.

Follow me!