LALAKI, HULI SA PAGTATAGO NG BANGKAY NG MGA KAANAK SA BAHAY
Dinakip ng mga pulis ang isang lalaki, 69, sa suspetsang pag-abandona nito sa mga labi ng kanyang ina, nasa 90s, at nakakabatang kapatid na lalaki, nasa 60s, sa kanyang tahanan sa Uki City, Kumamoto Prefecture.
Ayon sa mga pulis, sinabi ni Ichiro Hatano, 69, na namatay ang kanyang ina tatlong buwan na ang nakakalipas habang ang kapatid naman niya isang buwan na ang nakakaraan, base sa ulat ng Kyodo News.
Dagdag pa ng mga otoridad, hindi natukoy sa otopsiya ang dahilan nang pagkamatay ng mga ito.
Natagpuan ng pulisya ang mga labi matapos sabihin ng isang empleyado ng local welfare office na hindi nila makontak ang alinman sa mga ito. Idinahilan naman ni Hatano na walang siyang masabihan ukol dito, lalo sa usaping pinansyal.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo