今週の動画

BILANG NG MGA NURSES NA NAG-RESIGN SA TRABAHO SA JAPAN, DUMAMI – SURVEY

Tumaas ang bilang ng mga nurses na umalis sa trabaho noong nakaraang fiscal year kumpara noong pre-pandemic year, base sa isinagawang survey ng Japan Municipal Hospital Association.

Saad sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, sa isinagawang survey noong Pebrero at Marso, at sa 858 pampublikong ospital na sinurvey, 173 ang tumugon.

31 porsyento o 54 na ospital ang nag-ulat nang pagtaas sa bilang ng mga nurses na umalis sa trabaho kumpara noong 2019.

Isa sa mga dahilan nila ay ang fatigue dahil sa COVID-19 pandemic.

Follow me!