SAKADO CITY, MAGBIBIGAY NG 2,000 YEN BAWAT RESIDENTE PAMBILI NG HELMET
Bibigyan ng Sakado City sa Saitama Prefecture ng 2,000 yen ang bawat residente ng lungsod para pambili ng helmet na gagamitin habang nagbibisekleta kasunod nang pagpapatupad ng nirebisang Road Traffic Act sa Abril.
Simula Disyembre 2014 ay naka-subsidize na ang pagbili ng helmet sa lugar para sa mga kabataan at matatanda. Umaasa ang lungsod na lalaganap ang pagsusuot ng helmet sa pamamagitan ng hakbang na ito, sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
Naglaan ng 800,000 yen, sapat para sa 400 helmets, ang lungsod bilang budget para sa fiscal year 2023. Handa rin ang lungsod na magbigay ng supplementary budget kung kinakailangan para tulungan ang mas maraming residente para makabili ng helmet.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo