JAPANESE PASSPORT RENEWAL, ONLINE NA
Sisimulang muli ng Ministry of Foreign Affairs ang online Japanese passport renewal system nito simula ngayong araw, Marso 27.
Maaaring mag-apply online ang mga mamamayan na may pasaporte na nananatiling balido nang wala pang isang taon, o sa mga may pasaporte na may tatlo o mas kaunting natitirang mga pahina ng puwang ng visa para sa mga entry stamps, ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
Kailangan din ng aplikante ang kanyang My Number card at smartphone na may “Mynaportal” app. Hihingin sa app ang kanyang pangalan, litrato ng mukha at iba pang impormasyon.
Samantala, online na rin ang proseso sa pagre-report ng nawawalang pasaporte.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/03/29ELECTRONIC TICKET PARA SA KUMAMOTO AIRPORT LIMOUSINE BUS, JAL AT KYUSANKO BUS SISIMULAN SA IKA-28
- blog2024/03/29FUKUOKA AIRPORT UPGRADE UNDERWAY, PLANS TO INITIATE DIRECT FLIGHTS TO U.S. MAINLAND.
- News(Tagalog)2024/03/29PRESYO NG JR EXPRESS BUS MULA TOKYO TO OSAKA PAPALAWAKIN
- News(Tagalog)2024/03/28LALAKI NAMATAY MATAPOS SUMABIT ANG DAMIT SA ESCALATOR SA JR MITO STATION