今週の動画

PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS

Nagdagdag ng 10 yen ang East Japan Railway Co., Tokyo Metro Co. at iba pang railway operators sa pamasahe para sa mga sineserbisyuhan ng kanilang mga tren sa Tokyo at kalapit na mga prepektura simula nitong Marso 18.

Ayon sa ulat ng Jiji Press, gagamitin ng mga kumpanya na kinabibilangan din ng Tobu Railway Co., Odakyu Electric Railway Co., Seibu Railway Co., Sagami Railway Co. at Yokohama Minatomirai Railway Co. ang kikitain sa sa pagkakabit ng mga elevator at platform doors at mapabuti ang barrier-free accessibility sa mga istasyon.

Nakatakda rin magtaas ng presyo ang mga commuter pass.

Follow me!