今週の動画

¥18B HALAGA NG PEKENG BAG, DAMIT, SAPATOS NASAMSAM NG JAPAN CUSTOMS NOONG 2022

Umabot sa mahigit ¥18 bilyon na halaga ng sari-saring pekeng produkto ang nasamsam ng mga custom officers sa buong Japan nitong nakaraang taon.

Sa kabuuang 26,942 na kaso na naitala, nanguna sa listahan ng pinakamaraming klase ng produkto na nakumpiska ang mga bags na nasa 28.1 porsyento. Sinundan ito ng mga damit sa 21.7 porsyento at mga sapatos sa 13.3 porsyento.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, karamihan sa mga nasabat na produkto ay mula sa China.

Follow me!