今週の動画

MAYAYAMANG PAMILYA SA JAPAN, DUMAMI

Nasa humigit-kumulang 1.48 milyon ang mga mayayamang pamilya sa Japan hanggang sa pagtatapos ng taong 2021 base sa survey na isinagawa ng Nomura Research Institute Ltd.

Ayon sa survey, ang mga kabahayan na ito ay may financial assets na hindi bababa sa 100 milyon yen. Mas marami ito ng halos 158,000 kumpara noong 2019 dahil sa pagtaas ng presyo sa stock.

Sa ulat ng Jiji Press, patuloy na dumami ang mayayamang pamilya sa bansa simula 2013 matapos bumalik sa panunungkulan si dating Prime Minister Shinzo Abe noong 2012.

Follow me!