今週の動画

MATATANDANG HAPON NA NAGLALAKAD NG 5,000-7,000 HAKBANG KADA ARAW MAS MAHABA ANG BUHAY, AYON SA PAG-AARAL

Natuklasan sa ginawang pag-aaral ng isang Japanese team na ang paglalakad ng mga matatandang Hapon ng humigit-kumulang 5,000 hanggang 7,000 na hakbang kada araw ay nakakatulong upang humaba ang kanilang buhay.

Ito ay katumbas ng halos isang oras na paglalakad na ayon sa Japanese team na kinabibilangan ni Waseda University Assistant Professor Daiki Watanabe, ay ang pinakamainam na tagal para sa mahabang buhay ng mga Hapon, saad sa ulat ng Jiji Press.

Pinag-aralan ng Japanese team noong 2013 kung paano nauugnay ang death risk ng mga tao sa bilang ng mga hakbang na nilalakad nila sa isang araw gamit ang datos ng 4,165 lalaki at babae na may edad 65 o higit pa sa Kameoka, Kyoto Prefecture.

Follow me!