12,054 PRODUKTONG PAGKAIN MAGTATAAS NG PRESYO NGAYONG TAON – SURVEY
Lumabas sa isinagawang survey ng Teikoku Databank Ltd. na tinatayang nasa 12,054 produktong pagkain ang magtataas ng presyo sa mga darating na araw na bunsod ng inflation batay sa nakalap na impormasyon mula sa 190 food companies.
Sa ulat ng Asahi Shimbun, aabot sa 5,463 food items ang magtataas ng presyo ngayong buwan ng Pebrero at lalagpas sa 10,000 produkto ang magtataas pagdating ng Abril.
Ilan sa magtataas ng presyo ngayong Pebrero ay ang frozen pizza na gawa ng Maruha Nichiro Corp., udon noodle products ng Table Mark Co., at ketchup ng Kagome Co. Nasa 6,657 processed goods at 1,800 beverages din ang nakatakdang magtaas ng presyo.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”