今週の動画

IBARAKI AIRPORT NAGTALA NG 25% NA PAGTAAS SA PASAHERO NA UMABOT SA 700,000 NA DOMESTIC PASSENGERS

Noong ika-7, iniulat ng Ibaraki Prefecture na ang bilang ng mga pasahero sa Ibaraki Airport noong 2023 ay umabot sa 748,396, na minarkahan ng 25.5% na pagtaas mula sa nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng Ibaraki Shimbun, nakitaan ng pagtaas ang parehong domestic at international na mga flight dahil na rin sa pagluwag ng COVID-19 regulation.

Ang mga ruta ng Skymark, kabilang ang Sapporo, Kobe, Fukuoka, at Naha ay nagtala din ng ng rekord na 48,288 na pagtaas ng pasahero dahil na rin sa pagdami ng flight sa Shanghai at Taipei.

Follow me!