今週の動画

MISTER DONUT MAGTATAAS NG PRESYO

Ang Duskin, ang kumpanya sa likod ni Mister Donut, ay nag-anunsyo na magtataas ito ng mga presyo ng 19 sa mga pangunahing produkto ng donut nito ng 10 yen (hindi kasama ang buwis) simula Hulyo 3.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, ito unang pagtaas ng presyo mula noong Nobyembre 2022. Ang desisyong ito ay  dahil sa tumataas na gastos ng mga raw materials tulad ng harina at pagtaas ng mga gastusin sa logistik.

Halimbawa, ang presyo ng “Pon de Ring” ay tataas mula 140 yen hanggang 150 yen (hindi kasama ang buwis). Sa mga binagong presyo kasama ang buwis, ito ay magiging 162 yen para sa takeout at 165 yen para sa dining in. Kabilang sa iba pang apektadong produkto ang “French Cruller” at “Old Fashion.”

Follow me!