50% DISCOUNT SA JR ATBP. PARA SA MGA TAONG MAY MENTAL HEALTH DISABILITY
Noong ika-11 ng Abril, ang JR Group at mga pangunahing pribadong kumpanya ng tren ay nag-anunsyo ng isang pinalawak na sistema ng diskwento na epektibo noong Abril 1, 2025, para sa mga may hawak ng mental diability and health certificate.
Ayon sa Fukushi Shimbun, ang certificate ay may iba-ibang level mula grade 1 hanggang 3. Ang diskwentong matatanggap ay depende sa grade ng certificate.
Maraming kumpanya ang nagbibigay ng 50% discount para sa grade 1 at 2 certificate holder kasama na rin pati ang kanilang caregiver. Kung ang may hawak ng certificate ay bibiyahe mag-isa, siya ay makakatanggap ng 50% discount para sa one way na paglalakbay na lalampas sa 100 kilometro.
Ang limang kumpanya maliban sa JR na magpapakilala ng system mula Abril 1, 2025 ay ang Tobu, Seibu, Odakyu, Sotetsu, at Keihan. Sisimulan naman ito ng Shin-Keisei sa Hunyo 1, Tokyo Metro sa Agosto 1, at Hankyu at Hanshin sa katapusan ng Enero 2025. Pitong kumpanya, kabilang ang Nishitetsu, Kintetsu, at Keio, ay nagpakilala na ng mga similar na sistema.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo