今週の動画

600,000 YEN SUPPORT PARA SA BAGONG KASAL SA MIMABOSO, CHIBA

Muling inilulunsad ng Minamiboso City ang “Marriage and New Life Support Project” nito upang tulungan ang mga mag-asawa na nagsisimula ng buhay na magkasama sa lungsod.

Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, nag-aalok ang proyekto ng mga subsidyo para sa pagpapaupa, paglipat, at pagsasaayos ng pabahay, na aabot hanggang 600,000 yen. Naglalayong pasiglahin ang pagpapalaki ng pamilya. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng mas malawak na pamamahala ng lungsod.

Ang mga kwalipikasyon ay dapat ikinasal sa pagitan ng Enero 1 at Pebrero 28, 2024, parehong 39 taong gulang o mas bata ang mag-asawa, pinagsamang kita na mas mababa sa 5 milyong yen, at paninirahan sa Minamiboso City nang higit sa 3 taon.

 

Follow me!