今週の動画

TOKAIDO AT SANYO SHINKANSEN NA “NOZOMI” MAGIGING ALL RESERVED SEATS ONLY NGAYONG GOLDEN WEEK

Mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo, ang lahat ng upuan sa Nozomi ay magiging reserved seats only upang maibsan ang siksikan sa platform at upang makapaglakbay ang mga pasahero nang nakaupo.

Ang “Nozomi” na non-reserved seats mula car number 1 hanggang 3 ay gagawing mga reserved seats only. Sa parehong panahon, ang ilang Nozomi No. 12 na car ay idinisenyo upang i-accommodate ang mga pasaherong may kasamang bata.

Ginawa ang sistemang ito upang ang mga pasaherong may kasamang bata ay makagamit ng Shinkansen nang hindi nababahala na makaistorbo sa iba. Ang reservation sa upuan ay sa pamamagitan ng EX service, atbp. at gamitin ito kapag naglalakbay kasama ang mga bata.

Source: JR HOMEPAGE

Follow me!