今週の動画

PAGBUBUKAS NG FUKUI SHINKANSEN STATION SINALUBONG NG PROBLEMA

Sa pagbubukas ng Shinkansen at pagbubukas ng mga komersyal na pasilidad, ang Fukui station ay dinagsa ng tao na mas madami sa inaasahan na sinalubong din ng problema.

Ayon sa Yahoo Japan, noong ika-16, ang unang araw ng pagbubukas, mahabang linya ang nabuo sa bagong in-station na komersyal na pasilidad ng Fukui Station, Kurufukui Station, at ang pasilidad ay napuno agad ng mamimili pagbukas nito.

Nagkaroon din ng problema dahil isang ticket vending machine lang ang gumagana, na nagdulot ng pagsisikip sa concourse. Iniulat din na ang mga machine ay tumatanggap lamang ng cash kung kayat hindi nakabili ang iba pang manlalakbay.

Follow me!