今週の動画

SPA RESORT HAWAIIANS SISIMULAN ULIT ANG NUMBER 1 WATER SLIDE SA JAPAN NA “BIG ALOHA”

Ang Spa Resort Hawaiians, na matatagpuan sa 50 Warabidaira, Tokiwa Fujiwara-cho, Iwaki City, Fukushima Prefecture ay nakatakdang buksan muli ang kilalang body slide nito na kung tawagin ay “Big Aloha” sa ika-15 ng Marso.

Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, ang body slide na ito ay nagtatampok ng height difference na 40.5 metro, katumbas ng ika-10 palapag ng isang gusali, at isang sliding distance na 283 metro, na ginagawa itong pinakamahabang body slide sa bansa.

Pagkatapos ng pansamantalang pagsasara dahil sa epekto ng bagyo noong Setyembre 2023, natapos na ng pasilidad ang rehabilitasyon at handa na uling tumanggap ng bisita.

Upang ipagdiwang ang muling pagbubukas, ang Spa Resort Hawaiians ay naglulunsad ng isang “Big Aloha” revival campaign na nag-aalok ng 300 yen na diskwento sa mga solong tiket. Ang campaign ay tatakbo mula ika-15 hanggang ika-17 ng Marso, 2024.

Follow me!