今週の動画

YOKOSUKA CITY AY MAGBIBIGAY NG 600,000 YEN PARA SA MGA BAGONG KASAL

Mula ngayong piskal ng 2024, plano ng Yokosuka City sa Prefecture ng Kanagawa na mag-alok ng mga subsidy na hanggang 600,000 yen  para sa upa at mga gastos sa paglipat bilang suporta sa mga bagong kasal.

Ang paunang badyet para sa parehong taon ng pananalapi ay naglalaan ng 234.24 milyong yen sa adhikaing ito na naglalayong tumulong sa humigit-kumulang 600 na kabahayan.

Ang programang ito ay para rin sa mga couple under ng “Partnership Oath Certification System” ng lungsod, na kinikilala ang mga mag-asawa mula sa mga LGBT, atbp.. Ang City Planning and Coordination Division ay nagsasaad na ang proyekto ay makikinabang sa “subsidy ng pambansang pamahalaan para sa nakatutok na pagsulong ng mga hakbang upang kontrahin ang pagbaba ng birthrate sa mga lokal na komunidad.”

Dati nang ipinatupad sa kanlurang bahagi ng prefecture kabilang ang Hadano City, Yugawara, at Yamakita Town, ang inisyatibong ito upang matugunan ang pagbaba ng populasyon at ang pagbaba ng birthrate at umaasang makaakit ang mga residente.

Para maging qualified sa subsidy, dapat ang pagpaparehistro ng kasal ay sa pagitan ng Abril 1, 2024, at Marso 31, 2025 at ang mag-asawa ay parehong wala pang 39 taong gulang, ang isa sa mag-asawa ay nakarehistro bilang residente ng lungsod at ang kabuuang kita ay mas mababa sa 5 milyong yen. ​

Follow me!