今週の動画

CHERRY BLOSSOM VIEWING CAMPAIGN GAGANAPIN SA TOKYO YUMENOSHIMA MARINA MULA MARSO 23 – ABRIL 7

Ang TakeFour ay maglulunsad ng iba’t ibang offering sa panahon ng “Ohanami Campaign 2024” na idaraos sa Tokyo Yumenoshima Marina (Koto Ward, Tokyo) mula Marso 23 hanggang Abril 7.

Mula sa ulat ng Yahoo Japan, ang “Cherry Blossom Viewing Campaign 2024” ay operated ng Outdoor Square na isang tegaru barbeque place sa Tokyo Yumenoshima Marina ay mag-ooffer ng tegaru barbeque sa mga lugar kung saan maraming cherry blossoms. Ito ay limited time lamang.

Ang Eno no Mori Dog Garden ay bukas mula ika-28 ng Marso at ika-14 ng Abril, at magsasagawa rin ng mga workshop.

Ang “Marina & Grill” ay magbebenta ng Sakura soda at Sakura sweets set (1000 yen) , cherry blossom viewing bento (2000 yen), authentic Indian curry na gawa ng Indian chef (1360 yen), atbp.

Higit pa rito, sa panahon ng “Ohanami Campaign 2024”, isang malaking lottery ang gaganapin para manalo ng magagandang premyo sa “Outdoor Square,” “Eno Forest Dog Garden,” at “Marina & Grill.”  Sa bawat resibo na nagkakahalaga ng 2,000 yen o higit pa ay equivalent ng isang draw at ang mga resibo na mas mababa sa 2,000 yen ay maaaring pagsamahin.

 

Follow me!