今週の動画

MCDONALD’S JAPAN, MAGSISIMULANG MANINGIL NG 5 YEN PARA SA PLASTIC BAG

Inanunsyo ng McDonald’s Japan na mula Abril, ang mga plastic bag na kasalukuyang libre ay magkakaroon na ng charge na 5 yen bawat isa. Sisimulan ito sa 23 Mcdonald’s store sa Nagasaki Prefecture.

Mula sa ulat ng Yahoo Japan, nag-set ang McDonald’s Japan ng layunin na bawasan ang kanilang greenhouse gas emissions sa kalahati bago mag 2030 at ang inisyatiba na ito ay tutulong para mapabilis ang layunin na nabanggit.

Ayon sa Mcdonald’s. pagkatapos nilang makinig sa mga opinyon ng mga customer, plano nila ito palawakin sa buong Japan sa mga susunod na taon.

Follow me!