今週の動画

SETAGAYA WARD MAGBIBIGAY NG UNIVERSITY SCHOLARSHIP PARA SA MGA ESTUDYANTE NA UNDER NG HOUSEHOLD WELFARE

Inihayag ng Setagaya Ward noong 9ka-8 ng Pebrero na magtatayo ito ng grant-type na scholarship para sa mga estudyante sa unibersidad mula sa mga kabahayan na under ng welfare ng gobyerno .

Plano ng gobyerno na magbigay ng hanggang 500,000 yen sa matrikula, kagamitan sa pagtuturo at gastos sa transportasyon sa mga mag-aaral mula sa mga welfare household na may mababang rate ng posibilidad na makapag-aral sa unibersidad.

Mula sa report ng Yahoo Japan, nagdesisyon sila gumawa ng bagong programa na iba sa unang pinatupad kung saan kung isang miyembro ng pamilya ay nag-aral sa unibersidad, ang halaga ng support mula sa gobyerno ay mababawasan.

Walang grade requirement para makapag-apply ayon sa Setagaya Ward. Ang panukalang badyet para sa 2024 ay para sa kaubuuang 60 katao, kabilang ang mga kasalukuyang estudyante.

Follow me!