今週の動画

EARLY BLOOMING NG PLUM BLOSSOMS SA KAIRAKUEN NAGSIMULA NA

Ang Mito Plum Festival ay kasalukuyang nagaganap sa Kairakuen (Tokiwa-cho, Mito City), isa sa top 3 gardens ng Japan. Unti-unti ng namumulaklak ang  plum blossoms mula unang bahagi ng Enero at inaasahan na ito ay mag-peak sa bandang Pebrero 20 hanggang unang bahagi ng Marso. Hanggang Marso ika-17.

Mula sa ulat ng Yahoo Japan, 30% ng 3,000 plum blossoms ng humigit-kumulang 100 varieties ay namumulaklak at 40% ng 800 puno ng humigit-kumulang 60 varieties ay namumulaklak sa Kodokan (Sannomaru 1, Yokohama).

Noong ika-11, maraming tao ang nagtipon upang makita ang early blooming Yaekanbei at winter solstice plums. Iilawan ang Kodokan sa ika-24 ng Pebrero, ang mga night walk at fireworks y gaganapin sa Kairakuen sa ika-2 ng Marso at ang Pambansang Plum Wine Festival ay gaganapin mula ika-1 hanggang ika-3 ng Marso sa Tokiwa Shrine na katabi ng Kairakuen.

Follow me!