KURUME CITY SA FUKUOKA MAGSISIMULA MAGBENTA NG UNLIMITED BUS RIDES SA HALAGANG 100 YEN
Mula ika-10 hanggang ika-12 ng Pebrero, ang Lungsod ng Kurume sa Fukuoka Prefecture ay naglulunsad ng campaign, na nag-aalok ng Kurume GoGo Ticket sa halagang 100 yen. Ang Kurume GoGo Ticket ay isang digital special pass na may kasamang “1-day unlimited ride ticket para sa Nishitetsu bus” sa mga partikular na lugar sa Kurume at isang “privilege coupon,” na kung saan kung saan maari din gamitin bilang discount ticket sa mga lokal kainan, museo, kultural na karanasan, at iba pa.
Bilang bahagi ng kampanyang ito, ang mga kalahok na makakumpleto ng isang survey ay maaaring makakuha ng mga benepisyo ng Kurume GoGo Ticket sa halagang 100 yen lamang na pwedeng gamitin sa loob ng 3 araw. Ang eksklusibong tiket na ito ay maaaring madaling makuha sa pamamagitan ng MaaS app na “My Route” (available sa Android/iOS) at ang offer na ito ay tatagal hanggang Marso 31.
Nagbibigay ang Kurume GoGo Ticket ng mga komplimentaryong sakay sa Nishitetsu bus sa loob ng 2km radius sa paligid ng Mutsumon, kasama ang access sa Youme Town at T-Joy Kurume, na nag-aalok sa mga residente upang tuklasin ang kagandahan ng Kurume City.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo