今週の動画

“CRAFT GYOZA FEST®️” GAGANAPIN SA FUKUOKA SA UNANG PAGKAKATAON

Ang popular “Craft Gyoza Fest®️” ay nakatakdang mag-debut sa Fukuoka sa darating na Golden Week ngayong taon! Gaganapin ito sa Maizuru Park Sannomaru Hiroba.

Ayon sa ulat ng Yahoo Japan, ang festival ay magtatagal ng 11 araw, simula sa Abril 26 (Biyernes) hanggang Mayo 6 ( Lunes). Inilunsad noong 2022, ang “Craft Gyoza Fest®️” ay umakit na ng mahigit 1.3 milyong bisita. Ngayong darating na Golden Week, ang festival ay gaganapin sa Fukuoka.

Ipapakita dito ang mga gyoza na ginawa ng mga gyoza artisan sa buong bansa. Ang craft gyoza o dumpling ay masusing ginawa na nakatuon sa mga detalye tulad ng balat, palaman, sarsa, at pagpili ng sangkap. 

Follow me!