今週の動画

DIGITAL NOMAD VISA SISIMULAN NG JAPAN

Plano ng Japan na magsimulang mag-isyu ng anim na buwang visa para sa mga digital nomad na may annual income na 10 milyon yen ($68,300) o higit pa, inihayag ng Immigration Services Agency (ISA) noong Biyernes. Inaasahang magsisimula ang programa sa katapusan ng Marso.

Mula sa ulat ng Asahi Shimbunu, ang mga digital nomad ay tumutukoy sa mga taong nagtatrabaho nang malayuan habang nananatili lamang sa isang lugar. Mula sa 49 na bansa at teritoryo ay makakapag-stay na sa Japan sa ilalim ng kategorya ng visa na “designated activities”. Ang mga self-employed na aplikante ay eligible din.

Kasama sa iba pang requirements ay ang pagkakaroon ng pribadong health insurance. Ang mga asawa at mga anak ng digital nomad ay papayagan ding manatili sa Japan.

 

Follow me!