今週の動画

AIRJAPAN MAGBUBUKAS NG NARITA-SINGAPORE NA RUTA

Ang bagong brand ng ANA Group na “AirJapan” ay magsisimulang lumipad sa pagitan ng Narita at Singapore mula Abril 26, 2024. Ito ang ikatlong destinasyon ng airline.

Mula sa ulat ng Travel Voice, sa pamamagitan ng pagtanggap ng pangalawang sasakyang panghimpapawid noong Abril, palalawakin ng AirJapan ang bilang ng mga lungsod na pinaglilingkuran, at ang rutang Narita-Seoul (Incheon) ay magkakaron ng daily flights mula Abril 29 habang ang ruta ng Narita-Bangkok na sisimulan sa Pebrero ay magkakaroon din ng daily schedule.

Ang AirJapan isang hybrid na airline na pinagsasama ang advantage ng isang  FSC (full service carrier) at LCC (low cost carrier). Ang Boeing 787-8 na sasakyang panghimpapawid ay gagamitin para sa economy seats (324 seats). Ang presyo ng airline ticket para sa 7-anyos pataas under ng “Simple Plan” ay magsisimula sa ¥17.000.

Iskedyul ng AirJapan Narita/Singapore
Departure mula Narita 17:35 / Darating sa Singapore 23:55 (Mga araw ng flight: Lunes, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo)
Departure mula sa Singapore 00:55 / Darating sa Narita 09:10 (Mga araw ng flight: Lunes, Martes, Biyernes, Sabado, Linggo)

Follow me!