今週の動画

NASAWI SA NOTO EARTHQUAKE UMABOT NA SA 180 KATAO, NAWAWALA NASA 120 NA

Ang kumpirmadong bilang ng nasawi ay umabot sa 180, nadagdagan ito ng 12 katao mula noong nakaraang araw. Bilang ng nasawi ay 81 katao sa Wajima City, 71 sa Suzu City, 18 sa Anamizu Town, 5 sa Nanao City, 2 bawat isa sa Shiga Town at Noto Town, at 1 sa Hakui City.

Mula sa ulat ng Yahoo Japan, umabot naman sa mahigit 120 pa ang hindi makontak ng pamilya at hindi makumpirma ang kasalukuyang estado.

Humigit-kumulang 28,000 katao ang sumilong sa humigit-kumulang 390 evacuation center sa loob ng prefecture. Nagbukas ang prefecture ng 1st at 5th evacuation shelter sa Ishikawa General Sports Center (Kanazawa City) bilang pansamantalang evacuation site hanggang sa makapasok sa “secondary evacuation shelter” gaya ng hotel.

Follow me!