MINISTER NG EDUKASYON AY HUMINGI NG KONSIDERASYON PARA SA MGA ESTUDYANTENG APEKTADO NG LINDOL
Sa isang press conference noong ika-5, inihayag ng Ministro ng Edukasyon, Kultura, Palakasan, Agham at Teknolohiya na si Masahito Moriyama ang kanyang ideya na hilingin sa mga unibersidad na payagan ang mga aplikanteng nawalan ng kanilang examination tiket para sa pagsusulit sa pagpasok sa unibersidad (na gaganapin sa ika-13 at ika-14) dahil sa lindol sa Noto Peninsula.
Ayon sa Mainichi Shinbun, humigit-kumulang 490,000 katao ang nag-apply para sa pagsusulit. Kung nawala mo ang iyong tiket at hindi umabot sa deadline para makapag-apply ng panibagong ticket, maaari kang makatanggap ng “pansamantalang admission ticket” sa pamamagitan ng pagdadala ng iyong ID at larawan kung saan gaganapin ang iyong exam.
Hinikayat din ng MInistro ng Edukasyon na ikonsidera ng mga eskuwelaha ang pag-urong ng araw ng exam para sa mga estudyanteng nakatira sa lugar na apektado ng lindol.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo