84 KATAO NASAWI DAHIL SA NOTO EARTHQUAKE SA ISHIKAWA PREFECTURE
Inihayag noong ika-4 ng Enero na ang lindol na tumama sa Noto Peninsula sa Ishikawa prefecture ay nagdulot ng 84 na nasawi dahil sa lindol.
Ayon sa ulat ng NHK news, umakyat na ang bilang ng mga namatay sa lindol sa Ishikawa prefecture sa 84 na katao matapos ang puspusang paghahanap sa mga survivors na maaaring natabunan ng mga debris ng bahay.
Ang karamihan ng bilang ng mga namatay ay mula sa Wajima City kung saan nairekord na 48 na tao ang namatay, 23 katao sa Suzu City, 5 katao sa Nanao City, 2 katao sa Anamizu Town, 2 katao sa Noto Town, 1 tao sa Hakui City, at 1 tao sa Shika Town.
Patuloy pa rin ang relief operation sa lugar ng Ishikawa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo