今週の動画

PANGALAWANG RUTA NG AIRJAPAN AY ANG NARITA-SEOUL

Ang AirJapan, isang subsidiary ng ANA Holdings, ay nag-anunsyo ng paglulunsad ng bago nitong “AirJapan” na ruta sa pagitan ng Narita at Seoul (Incheon) sa Pebrero 22, 2024. Ang ruta na papuntang Seoul ay lilipad limang beses sa isang linggo maliban sa Lunes at Byernes.

Ang flight NQ21 ay aalis sa Narita ng 10:55 am at darating sa Seoul ng 1:30 pm. Ang pabalik naman na flight NQ22 ay aalis ng Seoul ng 2:40 pm at lalapag sa Narita ng 4:45 pm. Gagamit ang mga flight ng Boeing 787-8 na sasakyang panghimpapawid na may 324 na seats.

Ang mga pamasahe ay ikinategorya bilang “Simple,” “Standard,” at “Selected.” Hindi kasama sa “Simple” ang mga paid options. Kasama sa “Standard” ang mga pagpapareserba ng upuan at bagahe, habang ang “Selected” ay nag-aalok ng mga opsyon sa pagkain. Ang one-way na pamasahe para sa Narita-Seoul ay nagsisimula sa 8,000 yen para sa “Simple,” 10,500 yen para sa “Standard,” at 12,600 yen para sa “Selected.” Ang pamasahe ng bata ay mula 5,000 yen hanggang 8,220 yen.

Ang AirJapan ay hybrid airline ng ANA Group, ang ikatlong tatak pagkatapos ng ANA (FSC) at Peach Aviation (LCC). Nakaposisyon ito para sa internasyonal na demand, partikular sa Southeast Asia. Ang unang ruta ng AirJapan ay sa pagitan ng Narita at Bangkok ay magsisimulang lumipad sa Pebrero 9.

Follow me!