今週の動画

UNANG HOTEL JAL CITY SA LABAS NG BANSA, MAGBUBUKAS SA BANGKOK

Nakatakdang magbukas sa Hulyo 3 ang Hotel JAL City Bangkok na io-operate sa ilalim ng Hotel JAL City, isa sa kilalang hotel brands sa Japan, na naantala dahil sa COVID-19 pandemic.

Matatagpuan ito sa Sukhumvit Road sa Thonglor na isang tourist at business area at kasalukuyang nag-o-operate bilang Hotel Verve Bangkok, at ire-rebrand bilang Hotel JAL City Bangkok, saad sa ulat ng Business Wire.

Tumatanggap na ng booking ang hotel at nag-aalok ng special opening rates para sa mga One Harmony Members mula sa THB 2,800++ para sa Standard Rooms, kasama na ang complimentary breakfast para sa dalawang tao mula Hulyo 3 hanggang Setyembre 30, na na-book ng hanggang Agosto 31.

Mayroong 324 na kwarto ang Hotel JAL City Bangkok.

Follow me!