今週の動画

MGA SENTO SA TOKYO, MAGTATAAS NG PRESYO

Nakatakdang magmahal ang admission fee sa mga public bathhouses sa lungsod simula sa Hulyo 1 dahil sa inflation, ito ang inanunsyo ng Tokyo Metropolitan Government (TMG).

Tataas ng 20 yen o magiging 520 yen ang presyo para sa mga taong edad 12 pataas. Mananatili naman na 200 yen ang bayad ng mga bata edad 6 hanggang 11, habang 100 yen naman ang singil sa mga 5-taong gulang pababa.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng TMG na ito na ang magiging pinakamataas na presyo sa buong bansa. Mayroong 462 na sento sa buong Tokyo hanggang sa pagtatapos ng Disyembre 2022.

Follow me!