今週の動画

OSAKA EXPO TICKET MABIBILI SA HALAGANG 7,500 YEN

Nagdesisyon na ang organizer ng 2025 World Exposition na gaganapin sa Osaka City sa presyo ng kanilang adult admission ticket na mabibili sa halagang 7,500 yen.

Mas mataas ito sa inaasahang 6,000 yen at sa 4,600 yen na presyo ng 2005 Expo na ginanap sa Aichi Prefecture, saad sa ulat ng Jiji Press.

Posible itong mabili simula sa katapusan ng kasalukuyang taon kapag nakakuha na ng permiso mula sa gobyerno.

Nagkakahalaga naman ng 4,200 yen ang ticket para sa mga bisita na nasa edad 12 hanggang 17, at 1,800 yen naman para sa mga nasa edad 4 hanggang 11.

Gaganapin ito sa manmade island ng Yumeshima sa Osaka sa loob ng anim na buwan simula Abril 13, 2025.

Follow me!