今週の動画

HANABI TAIKAI – SISIMULAN ULIT

Matapos ang dalawang taon na pagkaantala ng mga aktibidad sa Japan dahil sa epekto ng pandemya, ngayong taon unti-unting bumabalik ang mga selebrasyon na inaantabayanan ng mga lokal na residente pati na din ng mga turista.

Ngayong tag-init, ang isa sa pinakamalaking kaganapan ay ang “Fireworks Festival” o ang tinatawag na Hanabi Taikai in Japanese. Ang festival na ito ay nagsisimula mula Hunyo hanggang Agosto ng taon. Ang Edogawa-ku at Itabashi-ku ay magsasaganap ng kanilang taikai sa ika-5 ng Agosto samantalang ang Hachioji taikai naman ay gaganapin sa ika-29 ng Hulyo. Inaasahang dadagsain ang pagbabalik ng makulay at masayang kaganapan na ito.

Para sa iskedyul ng hanabi, bisitahin ang link na ito. https://hanabi.walkerplus.com/list/ar0313/

Follow me!